Our Programs / New Waves Asia Philippines

KAIN AT HAIN

Ang KAIN AT HAIN ay nagbibigay ng tulong pinansyal at training sa mga kainan ng paaralan nang sila ay makapagluto ng pagkaing plant-based. Sa pamamagitan ng pagsama ng mga solusyong nakatutok sa mga problemang panlipunan, tulad ng kahirapan, kakulangan ng abot-kayang pagkain, at malnutrisyon, ipinaglalaban ng KAIN AT HAIN nang sabay ang mga hayop at ang mga Pinoy.

Nais nating gawing mas abot ng madla ang pagkaing walang sangkap na hayop.

Stef dela Cruz, MD (she/her) - Philippine Director

Si Stef ay isang animal advocate. Bago naging vegan, naki-alyansa siya sa iba't-ibang organisasyong ipinaglalaban ang kapaligiran, ang mga kababaihan, at ang hustisyang pangkalusugan. Nagtapos siya bilang nars at doktor sa University of Santo Tomas, kung saan siya ay nakatanggap ng Dean Bacala Academic Excellence Award. Siya lang ang tanging doktor na pinarangalan ng 2013 Health Media Award mula sa Department of Health. Ngunit masasabing ang kanyang pinakamahalagang tagumpay ay ang pagiging tagapag-alaga ng apat na inampon at iniligtas na hayop — tatlong pusa at isang aso — na masayang nabubuhay sa layaw.

Bakit may KAIN AT HAIN?

1

Kahit na laganap ang malnutrisyon sa mga mag-aaral at mas malaki ang gastos kung gagawing sangkap sa pagkain ang karne, madalas pa ring magkaroon ng makarneng mga pagkain sa school eateries.

2

Kahit na may nutritional guidelines ang Department of Education na naghihigpit sa pagkaroon ng karne sa school eateries (DepEd Order No. 13, s. 2017), hindi ito striktong nasusunod.

3

Hindi nabibigyan ng sapat na suporta ang ating mga magsasaka, at minsan ay tinatambak na lamang nila sa kalsada ang kanilang mga murang ani.

Hindi man kapansin-pansin, magkakaugnay ang tatlong problemang ito — at oo, konektado din ang mga ito sa pagmamaltrato ng mga hayop!

Pwedeng tugunan ang mga isyung ito sa pamamagitan ng isang programang tutulong sa mga school eateries na magluto ng pagkaing plant-based, masustansya, at abot-kaya.

Ang KAIN AT HAIN ay makakatulong sa mga hayop, habang tumutulong narin sa pagharap ng mga problemang Pinoy!

Ano ang mga maaaraing matanggap ng mga kalahok ng KAIN AT HAIN?

TULONG PINANSYAL

Pagbigay ng tulong pinansyal sa mga school eateries nang mas makapagsilbi sila sa mga guro at mag-aaral

TRAINING SA PAGBUO NG PAGKAING PLANT-BASED

Pagluto ng mga school eateries ng pagkaing plant-based, base sa pangangailangan nila at ng mga komunidad gamit ang mga sangkap na kanilang abot-kaya

RELIEF KITCHEN

Kusinang nagluluto ng pagkaing plant-based para sa mga nasalanta ng bagyo

Ano na ang mga nakamit ng KAIN AT HAIN?

Abot-kaya ng ~2,300 mag-aaral ang pagkaing plant-based!

~950 pagkaing plant-based ang nakakain bawat buwan (~9,500 servings bawat school year)!

700 kataong lumikas sa bagyo at 70 mag-aaral na kulang sa nutrisyon na nakakain ng pagkaing plant-based ang nagsabing masarap at nakakabusog ito!

11 bayan at siyudad sa buong bansa ang lumahok mula nung nabuo ang programa!

Ano ang masasabi ng iba tungkol sa KAIN AT HAIN?

Natutunan ko ang kahalagahan ng pagiging vegan at kung paano ito kapaki-pakinabang sa ating kalusugan”

”Ang hangarin ng workshop ay talagang kahanga-hanga”

”Gusto naming patuloy na suportahan ang programang ito, hindi dahil sa mga gantimpala, ngunit dahil naniniwala kami dito
— IMga kalahok
Magandang recipe, lalo na para sa mga matanda at may mataas na BP” (F, 55 y/o)

”Napakasarap ng pritong okoy at mga gulay. Busog na busog ako.” (M, 13 y/o)
— Mga lumikas sa bagyo
Ayon sa mga lumikas sa bagyo, buti na lang mabigat sa sikmura at may texture ang pagkain, hindi tulad ng nakasanayang relief food gaya ng lugaw at sopas.
— Isang volunteer
Sa buong kasaysayan ng aming feeding program, ito ang unang pagkakataon na isang buong plato ng pagkain ang inihain sa halip na meryenda lang.
— Isang guro
Lasang tunay na patis yung vegan patis ngunit mas mura. Gagamitin namin ito sa bahay mula ngayon.”

”Nagpapasalamat kami na bahagi kami ng programang ito, malaking tulong ito sa amin.
— Isang tagapamahala ng canteen

Aming malugod na ibinabahagi ang pinakaunang paaralan na lumahok sa KAIN AT HAIN: Tombor Elementary School!

Sino ang pwedeng sumali?

Ang inyong paaralan ba ay…

) Gustong makatanggap ng pinansyal na reward?

2) May mga kainan na gustong makatanggap ng training tungkol sa plant-based na pagkain?

3) Nakabase sa Pilipinas?

Bilang kasali ng KAIN AT HAIN, maaaring tumanggap ng hanggang PHP 6,000 ang bawat school eatery.

Limitado ang slots bawat taon. Mag-email sa philippines@animalallianceasia.org para sumali!

Nagpapasalamat kami sa mga naging kasapi at kaalyansa ng KAIN AT HAIN!